It is in change that we find purpose.
'Nuff said. For now.
Minsan bwiset talaga ang magmahal.
Akala mo ang sarap sabihin na “I’m in love!!!” pero pucha… Pagdating na sa puntong gusto mo nang sipain ang sarili mo dahil sa mga bagay na nararamdaman mo out of being “in love,” naiisip mo kung ano ba talaga ‘tong love na ito… mas ok ba na wala siya o nandiyan sa buhay mo?
Eto ka nanaman, in love nanaman… Sabi mo wag muna, pero hindi naman napipigilan yun diba? Pag magkasama kayo feeling mo ayaw mo nang matapos ang araw, naaamoy mo palang yung pabango niya palingun-lingon ka na, tipo bang gustong gusto mo nang gumising sa umaga kasi makikita mo na siya…
Pag pupunta ka sa Mini Stop, iisipin mo kung anong flavor ba ng c2 ang bibilin mo para sa kanya (pero siyempre hindi na tinatanong yun dahil alam mo kung ano ang favorite niya), o kung anong chips kaya ang trip niyang i-merienda (pero siyempre alam mo na rin kung ano ‘to diba).
Para kang tanga, hinihintay mo yung text niya kasi ayaw mong ikaw nanaman ang mauna, tapos pag hindi nagtext nededepress ka… hanggang sa hindi mo na matiis at sige na nga, compose ng message na maikli lang (tipong hi! o musta?) at send kagad para di na magbago ang isip mo. Quick and painless ika nga. Tapos pag sumagot na siya, masaya ka na ulit… Suddenly nakabawi ka na from your depression. Tignan mo. Para ngang tanga.
Sabi nga nila, these are classic signs of being smitten. But being in love is something else… May mga bagay na kapag naramdaman mo, feeling mo sure ka na na mahal mo na nga talaga siya.
Siyempre, unang una na ang selos. Ayaw mong may kasama siyang iba. Kailangan alam mo lahat ng lakad niya. Tapos yung ibang mga pinopormahan (kung guy) o mga manliligaw (kung girl), pati mga matagal nang ibinaon na ex eh nilalait mo na. Minsan gagawin mo to sa harap niya, tipo bang pahapyaw na “Ako na lang kasi!” pero pagtalikod niya, dun na dumadating yung sobrang lakas na selos. Yung pag kasama mo nalang ang mga kaibigan mo. Kasi sa level ng usapan niyo ng tropa mo, kung nakakamatay ang panlalait eh double dead na itong mga pinopormahan, manliligaw at ex ng prospect mo.
Pero higit sa lahat, you’re starting to care more than you should… Your friends all say na hindi na tama, sobra na yan, hindi naman kayo, exagge na ang effort mo pero sa totoo lang, feeling mo kulang pa nga yun e, it doesn’t even begin to prove kung gaano mo siya ka-gusto at kung hangga’t saan ka handang magsakripisyo para sa kanya… Kalokohan diba, pero totoo… Kasi nga, alam mong mahal mo na nga.
Hanggang sa maiinis ka na, kasi ayan ka nanaman, sobra ka nanamang affected eh hindi naman kayo. HINDI NAMAN KAYO! Kahit ilang beses na paulit-ulit, walang epekto sayo… In denial ka parin… E pano naman kasi, imposible din naman na sa mga ipinapakita niya e wala siyang nararamdaman para sayo. Hawakan daw ba ang kamay mo habang nagdadrive ka? O yumapos sayo habang pumipili ng bibilhin sa Jollibee? E yung bigyan ka niya ng term of endearment (na siyempre labis mong ikinakilig)?
At ang nakakainis pa dun, hindi mo rin naman siya matanong… Hindi naman dahil sa saksakan ka ng torpe – isa lang sa mga rason yun – pero ang mas mabigat na dahilan e yung hindi ka sigurado at hindi ka handa sa isasagot niya. Pag sinabi niyang oo, gusto ka rin niya, shit sobrang saya nun diba?! E pano pag sinabi niyang hinde noh, friends lang talaga tayo… Diba sobrang sakit nun? Gugustuhin mo nag hukayin ang sarili mong libingan. Kaya ka nagdadalawang-isip… kasi alam mo na mas ok na hindi ka sigurado kung gusto ka rin niya, kaysa sa sigurado kang hindi ka niya gusto, diba? Mas ok na rin na pinapakilig at pinapaasa ka niya sa mga kilos niya, at least kahit papano may mga “moments” na masaya kayo pareho… kahit lokohan lang.
Sa totoo lang, sinasabi ko lang din naman ito… Ganyang ganyan din ang pinagdadaanan ko, naiinis napapagood nabubuwiset nababaliw na rin ako sa pagmamahal. But at the end of the day, during those last few moments before falling asleep at naiisip ko nanaman siya at kung paano na nahulog ang loob ko sa kanya, natatanggap ko na rin na wala naman talaga akong magagawa… na mahal ko na siya, and it’s totally unconditional... na mahal ko na siya, and I am helpless… na mahal ko na siya, and I want the whole wide world to know… na mahal ko na siya, and that’s all that matters…
Sa mga panahong tinatanong ko sa sarili ko kung ano ba talaga tong love na ito… kung mas ok ba na wala siya o nandiyan sa buhay ko… hindi ko talaga nasasagot… Naiisip ko kasi na the answer to that question doesn’t really matter. Pag in love ka, in love ka – it’s not a choice; it just happens and that’s the most beautiful part of loving. It’s succumbing to the feeling and not minding anything else. Dahil sa totoo lang, pag alam mo na mahal mo na nga siya… wala nang ibang bagay ang makabuluhan pa. Diba.