Tuesday, June 24, 2008

Random Rants

I used to post random thoughts on my blog when I am too lazy to organize the million things floating around in my head. But due to my cranky mood which has been going on for quite a while now, I figured "rants" was the more appropriate term.

1. Meron akong mga officemates na hayop sa lakas magsalita. Walang pagkakaiba ang lakas ng boses niya kahit pa nasa telepono, o kausap ang kaharap niya, o kausap yung sa ka-team niya na nasa kabilang side ng department namin, o kausap yung mga taga ibang planeta. Ano bang problema niya?

2. Pag sobrang ingay dito at gusto ko nang sumigaw sa pikon, ginagawa ko, nakikinig nalang sa iPod to block out all the noise. Oo NOISE talaga! No.1 hindi trabaho ang pinaguusapan 70% of the time. No.2 yung lengwahe nila, well, it's not the most melodic language. Pero ang masaklap dun kahit naka-todo na yung volume (and I almost risk shattering my eardrums) eh naririnig ko parin sila. Kakaiba diba!

3. May isa din akong officemate na akala ata niya beach etong floor namin. Kakaiba ang outfits. Katulad ngayon - ang suot eh normal na sleeveless, white skirt na flowy at mala-gladiator sandals. Huh??? Oo summer na, alam ko, pero sa loob ng office eh air-conditioned parin naman. Plus, hello, corporate office kami. Marami-rami ding pinakamatataas na leader ng organization namin ang nandito, sa floor namin mismo. Besides, Deputy General Manager na siya (mataas ang job grade yun). Naiinis ako kasi di ko ma-take na sa team namin mismo may mga taong unprofessional.

I know - live and let live. Pero bakit ba, blog ko to. Che.

4. Andaming trabaho, walang motivation.

5. Bakit kaya sa buhay, napakahirap gawin ng mga bagay na tama. In the same note, bakit kaya sa kumpanyang to, gustuhin mo mang gumawa ng tama, napakadaming pipigil sayo - the nature, structure, culture of the organization - something always gets in the way.

6. Malapit na kong mainis sa mga tao na nangungulit na sumabay sakin pagpunta sa gym. Haler. Pag nasa gym ka eh makikipagchismisan ka pa ba? Sakin kasi di talaga social activity ang pagpunta sa gym. Hingal na hingal ka na sa treadmill, poproblemahin mo pa ba ang small talk?

7. Vanity irritates me. To the highest level. Ayoko talaga sa mga taong high-maintenance. Palibhasa may pagka-cowboy ako. Pero ewan ko ba. Naiintindihan ko naman na kailangan mag-ayos. A healthy level of vanity is always needed, and in fact, appreciated. Pero pag OA na, uhm, parang hello ano ba. Di naman umikot na ang buhay mo sa pag-aayos sa sarili? Oh well. Like I always say. I don't like the things I don't understand.

8. Napag-usapan na namin to ni Jaybee dati. May pagka-balahura talaga sila. Walang finesse most of the time. No, not even finesse. Basic hygeine nalang. Is that too much to ask?

Well it seems hindi lang ako cranky, borderline racist pa ko. Joke lang. I'm tolerant most of the time. Wala lang talaga ako sa mood right now. I apologize na.

9. Kamote, kamote. Men are innately kamote. Period.

Ang dami ko palang rants. Hindi na healthy to.

No comments:

Post a Comment