Friday, September 12, 2008

Petiks Kung Petiks

Tapos na ang maliligayang araw ng pagpetiks. Masaklap. Papasok na ulet yung department head namin sa Tuesday. Balik trabaho nanaman ako. Ang mahirap dun, tinatamad na ko sa position ko.

Feeling ko malakas talaga ang tendency ko magsawa... Kailangan after at least a year eh may mga pagbabago sa ginagawa ko or else I start getting frustrated hence stop working. Yung manager ko dati kahit papano namomotivate ako na magtrabaho, kasi I'm very open to her about feeling like crap about my job and she somehow finds a way to get me back on track. Kaya lang nag-resign na siya. So kailangan kong bunuin to mag-isa.

Wala lang. Daming laman ng to-do list pero mas gugustuhin ko pa na malintikan sa department head namin pagbalik niya kaysa gawin ko yung mga nasa listahan na yun. Yun ang nakakatakot dun... Yung wala na kong takot. Petiks kung petiks.

Sa sobrang tamad ko ngayon ni hindi na ako gumamit ng English sa blog na ito. Nakakatamad talaga. Countdown na lang bago mag-weekend.

*yawn*

No comments:

Post a Comment